GMA Logo Heath Jornales
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Heath Jornales reveals the story behind his original song 'Back To You'

By Dianne Mariano
Published April 10, 2026 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tricycle driver sa Bacolod City, ginsapote bangud wala naghatag sang balato | One Western Visayas
Advocates renew push for autism bill as Angels Walk 2026 gains support
Brandon Espiritu recommends this simulation for HYROX beginners

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales


Inawit ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' Kapuso Second Big Placer na si Heath Jornales ang kanyang original song na 'Back To You' sa pagbisita niya sa 'It's Showtime.'

Naghatid ng saya at hinarana ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Second Big Placer na si Heath Jornales ang madlang people sa kanyang pagbisita sa It's Showtime ngayong Biyernes, April 10.

Sa opening ng noontime variety show, inawit ng Kapuso star ang isa sa kanyang original songs na pinamagatang "Back To You" habang naggigitara.

Matapos ang kanyang performance, ibinahagi ni Heath ang istorya sa likod ng kanyang kanta, na siya mismo ang sumulat. Matatandaan na unang inawit ni Heath ang "Back To You" noong siya'y nasa loob ng Bahay ni Kuya.

"No matter how many times that person breaks your heart or ilang beses ka i-reject, parang you still fall back to them e," paliwanag niya.

Nang tanungin naman siya ni Jhong Hilario kung ano'ng moment ang gusto niyang balik-balikan, aniya, "Spending time with my family sa province and then chilling with my dogs po."

Bukod dito, magaganap ang upcoming fan meeting ng Sparkle artist na "Heath Wave The Ultimate Fan Jam" sa April 19 sa SM North EDSA Sky Dome.

Related content: Meet Heath Jornales, newbie actor and future heartthrob

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.