
Sobrang na-appreciate at pinahahalagahan ni Heath Jornales ang warm support sa kanya hindi lang ng kanyang pamilya at fans kundi pati ng kanyang mga kaibigan sa entertainment industry.
Nagbigay ng pahayag si Heath patungkol dito sa exclusive interview sa kanya ng GMANetwork.com nitong Martes, March 3.
Napa-react siya sa tanong kung ano ang nararamdaman niya sa all-out support na natanggap niya mula sa kanyang fellow Sparkle artists na sina Kayla Davies at Geo Mhanna.
“Sa support po ng mga kaibigan ko na sina Geo at Kayla, napakasaya ko po kasi matagal ko na po silang kasama sa industry and they have been really there since day one,” pahayag ni Heath.
Dagdag pa niya, thankful siya kina Geo at Kayla at excited na siyang maka-bonding ulit sila ngayon siya ay nasa outside world na.
Sabi niya, “Napaka-thankful ko na they are here and they are supporting me. I can't wait to hangout with them again soon. I really love them so much.”
Sina Geo at Kayla ay spotted sa naganap na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night bilang ultimate supporters ni Heath.
Samantala, si Heath Jornales at si Krystal Mejes ang itinanghal na Kapuso at Kapamilya Second Big Placers sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night
Sina Geo Mhanna at Kayla Davies ay kabilang sa cast ng ongoing intense drama series na House of Lies.
Subaybayan ang kanilang mga karakter sa serye, mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.