
Matapos ang nominasyon, nakuha nina Iñigo Jose, Fred Moser, Heath Jornales at Lee Victor na bumubuo sa "Interlinked Minds" ang pinakamalaking boto noong Linggo ng gabi, December 7, sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Nagbigay ng dahilan ang ibang grupo kung bakit sila ang ibinoto nila tulad na lang ng "Big Back Dreamers" (Caprice, Joaquin, Krystal, at Princess), na nakapansin kay Fred Moser na hindi tumutulong sa gawaing bahay.
Saad ng "Big Back Dreamers", “Binibigyan namin ng 3 points, Interlinked Minds, for Fred dahil hindi po siya masyadong nagcho-chores at 'pag na"cho-chores siya, hindi po maayos ang ginagawa niya.”
Ayon naman sa "Palabanghels nina Sofia, Clifford, Lella, at Rave, nakikita rin nila na hindi tumutulong sa chores si Fred at ang Sparkle talent na si Heath Jornales.
“Kuya, binibigyan po namin ng tatlong puntos ang 'Interlinked Minds' dahil nakita po namin na kay Fred at Heath po, especially sa mga chores po, hindi po namin sila masyadong nakikita at minsan kailangan pa po namin sila sabihan na gumawa ng chores. Eh responsibility po nila 'yun, Kuya,” paliwanag ng grupo.
Sino kaya kina Iñigo Jose, Fred Moser, Heath Jornales at Lee Victor ang magtatapos ng kanyang PBB journey?
Abangan 'yan sa mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
RELATED CONTENT: Meet Heath Jornales, newbie actor and future heartthrob
RELATED CONTENT: Meet 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' housemate Lee Victor