What's on TV

Heaven Peralejo, nilinaw ang mga umano'y naging isyu kina Kiko Estrada, Jimuel Pacquiao

By Kristian Eric Javier
Published February 27, 2025 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

heaven peralejo and kiko estrada


Binigyang-linaw na ni Heaven Peralejo ang akusasyong naging third party umano siya sa dating relasyon ni Kiko Estrada.

Sinagot na ni Heaven Peralejo ang mga akusasyon sa kaniya noon na naging third party umano siya sa relasyon ng aktor at dati niyang boyfriend na si Kiko Estrada.

Unang inakusahan si Heaven bilang third party sa break up ni Kiko at ng actress ex-girlfriend niyang si Devon Seron. Ilang buwan matapos ng naturang break up ay nagkaroon ng relasyon sina Kiko at Heaven. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay din sila.

Sa pamamagitan ng Instagram stories noong 2021, inihayag ni Heaven na wala siyang anumang romantic relationship kay Kiko nang maghiwalay sila ni Devon. Nilinaw din ng aktres na magkatrabaho lang sila sa isang proyekto ng aktor.

Sa pagbisita ni Heaven sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, February 26, sinabi niyang nagkaroon lang noon ng miscommunication kaya siya naakusahan bilang third party sa relasyon nina Kiko at Devon.

“Miscommunication, but he cleared it out with Tito Ogie [Diaz] naman. He did, na parang 'It's so far, malayo 'yung timeline.' But then, naunahan na, e, naunahan na ng chismis during that time. So, kahit ano'ng sabihin mo sometimes wala na rin talaga,” sabi ni Heaven.

Kuwento pa ng aktres ay okay sila ngayon ng aktor at sa katunayan ay nagkatrabaho pa sila sa isang teleserye.

MAS KILALANIN PA SI KIKO ESTRADA SA GALLERY NA ITO:

Isa pang dating nakarelasyon ni Heaven ay si Jimuel Pacquiao, na pinag-usapan nila ni King of Talk Boy Abunda. Paglilinaw ni Heaven, wala sila naging problema ng pamilya ng dating nobyo.

“No, no beef at all. None,” sabi ni Heaven.

Sabi pa ng aktres ay walang katotohanan ang bali-balita na hindi siya gusto ng pamilya ni Jimuel at sa katunayan ay okay umano sila hanggang sa huli.

Samantala, tingnan ang celebrity couples na naghiwalay dahil sa third party: