GMA Logo Hello from the Other Side
What's on TV

'Hello from the Other Side,' malapit nang mapanood sa GTV!

By Bianca Geli
Published September 28, 2021 2:32 PM PHT
Updated October 21, 2021 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Hello from the Other Side


Malapit nang mapanood sa GTV ang dalawang grim reapers na inyong inaabangan.

Malapit nang mapapanood na ang hit Singaporean drama na Hello from the Other Side sa GTV.

Noong bata pa si Jacob (Shaun Chen), ikinasal muli ang kanyang ina at naging parte na siya ng pamilya ng mga Ma.

Mabubuo ang inis ni Elisse (Rui En) sa pinsan niyang si Jacob dahil simula nang mamatay ang lolo ni Elisse, isang maliit na noodle stand na lamang ang mapupunta sa kanya samantalang isang noodle factory ang aangkinin ng stepfather ni Jacob.

Dahil sa sama ng loob ni Elisse sa hindi sapat na pagkahati ng kanilang mana, hindi niya makakasundo si Jacob.

Isang araw, mahuhulog ang dalawa sa isang bangin at mapupunta sa kabilang buhay kung saan mananatili silang magkaaway.

Samantala, ang hari ng underworld na si Hades (Hanwei Chen) ay mapapabilib sa kanilang mga taglay na talento sa pakikipaglaban sa isa't isa kaya bibigyan niya sina Jacob at Elisse ng trabaho bilang grim reapers.

Mula sa pagiging magkaaway, mapipilitan sina Jacob at Elisse na magkasundo at katagalan ay magiging magkaibigan.

Malalaman ni Elisse na hindi pa pala niya panahon para sumakabilang buhay at maaari pa siyang makabalik sa mundo. Susubukan niyang tulungan si Jacob na makabalik sa tunay na mundong ibabaw ngunit may mga masasamang grim reapers na hahadlang sa kanila.

Tunghayan ang unang Singaporean fantasy drama na Hello from the Other Side, malapit na sa GTV!

Kilalanin ang cast dito:

Shaun Chen as Jacob
Hanwei Chen as Hades
Ben Yeo as Darius
Ryan Lian as Edward
Brandon Wong as Marshall
Tianwen Chen as Sandro
Rui En as Elisse