Malaki ang kumpiyansa ni Director Jerrold Tarog na makakapasok ang kanyang obra sa limang official nominees ng Best Foreign Language Film category. By FELIX ILAYA
Ayon sa opisiyal na Facebook page ng Heneral Luna, inanunsiyo nila na napili ang kanilang pelikula bilang official entry ng Pilipinas para sa 2016 Oscars o Academy Awards para sa larangang Best Foreign Language Film.
We are happy to announce and share with everyone the good news: HENERAL LUNA has been selected as the Philippines' Official Entry to the 2016 Oscars in the Best Foreign Language Film Category!
Ang Heneral Luna ay isang historical-biographical film na inilalahad ang mga pangyayari sa Philippine-American War noong 1899-1902. Tampok nito ang mga award-winning na aktor at aktress na sina John Arcilla, Mon Confiado, Paulo Avelino, Mylene Dizon, at Kapuso actors Leo Martinez. Benjamin Alves at Nonie Buencamino.
Nakatanggap ang pelikula ng maraming papuri mula sa mga film critics at historians at naniniwala ang direktor na si Jerrold Tarog na makakapasok sa limang official nominees ang Heneral Luna.