
Attention! Sasaludo ngayong araw, June 1, ang tropa ng Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng pinakabagong sports-entertainment show ng bayan.
Samahan ang mga EAC student-athletes at iba pang personalidad sa para sa Tuesday edition ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96.
Pangungunahan ang puwersa ni EAC Generals basketball player King Gurtiza na excited na sa pagsisimula ng Season 96.
Samantala, makikigulo ang komedyante na si Pekto ng Kapuso primetime series na Owe My Love.
In full battle gear pa si Pekto para nga naman sakto sa tema. Pero handa rin kaya siya kung sakaling maghamon ng challenge sina Martin Javier at Sophia Senoron?
Abangan din siyempre ang campus stories at heartwarming na kuwento mula sa mga EAC student-athletes.
Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 ay mapapanood tuwing Linggo 5:05 p.m., Sabado 4:30 p.m., at Lunes hanggang Biyernes 2:45 p.m.
Maaaring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 via GMA Pinoy TV at GMA News TV. Bumisita sa www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.