
Sunod-sunod na milestones ang natatanggap ng GMA Playlist artist at proud trans woman na si Henri Gimena, o kilala rin bilang Henri G, para sa kanyang debut single na "Di Para Sa Isa't Isa."
Kamakailan lamang ay umabot na sa 100,000 streams sa Spotify ang "Di Para Sa Isa't Isa" na sobrang ikinatuwa ni Henri G.
"Congratulations sa atin at sa akin na rin dahil ang aking first-ever single na 'Di Para Sa Isa't Isa' ay nag-hit na po ng 100,000 streams sa Spotify. 'Di ko akalain na umabot tayo ng 100,000 streams sa Spotify. Maraming maraming salamat po sa ating GMA Playlist family dahil sa tiwala at suporta po na ibinigay n'yo po sa akin. At siyempre po sa lahat ng mga nag-stream ng aking first-ever single na 'Di Para Sa Isa't Isa,'" pasasalamat niya.
Bukod dito, ang "Di Para Sa Isa't Isa" ay ginamit na theme song para sa pinakabagong Thai series na The Sweetest Taboo, na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
Samantala, inilabas na ang second single ni Henri G na "Hindi Ko Masabi" na mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms worldwide.
Congratulations, Henri G!
Panoorin ang live performance ni Henri G sa "Di Para Sa Isa't Isa" dito: