GMA Logo her bucket list
What's Hot

Her Bucket List: Ang pagtupad ng listahan | Recap

By Kristian Eric Javier
Published March 17, 2023 5:08 PM PHT
Updated March 20, 2023 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

her bucket list


Alamin ang simula ng kuwento nila Hanson at Ari at ang pagtupad nila ng isang bucket list.

Simula na ang kakaibang journey nina Ari at Hanson sa pagtupad ng kani-kanilang goals. Si Ari, para kumpletuhin ang bucket list nila ng nobyong si Greyson; habang si Hanson ay para naman matupad ang pangarap niyang maging sikat na singer.

Saan kaya dadalhin ng bucket list ang dalawa?

Simula na sana ng journey ni Hanson Kang sa stardom nang subukan niyang mag-audition sa isang entertainment management. Pero tila yata tinamaan ang stage fright ang aspiring singer at hindi ito nakakanta.

Sa halip, boses ng babae at isang pangako ang naalala niya, bago siya tuluyan hinimatay.

Sa kabilang banda, nakatanggap ng pananakit si Ari galing sa ina ng nobyo niyang si Greyson. Dito niya nalamang pumanaw na pala ang ito at siya ang sinisisi ng mama ng kanyang nobyo sa nangyari.

Si Gian, ang kapatid ni Greyson, ang nagsabi kay Ari kung papaano pumanaw ang kuya niya. Ayon sa kanya, dahil sa kagustuhan ni Greyson bilhan si Ari ng promise ring, napilitan ito mag-part-time at naaksidente siya naging sanhi ng pagkamatay.

Dahil sa kalungkutan, nagpasya si Ari na sundan ang nobyong si Greyson. Pero bago pa niya ito maituloy, makikita niya ang bucket list na ginawa nila at ipinangakong tutuparin muna ito bago ituloy ang plano.

Isa sa items ng bucket lists nila ay manood ng musical play nang sabay pero hindi ito maituloy ni Ari ng siya lang mag-isa. Sa isang parke nanatili ang dalaga matapos makainom ng alak. Dito, makikita siya uli ni Hanson at tutulungang maka-recover.

Sa pag-iisa ni Ari ay makikilala niya nang husto si Hanson at malalaman ang pinagdadaanan nitong problema sa pagkanta. Isang kasunduan ang nabuo at sasamahan ni Ari si Hanson tuwing kakanta ito para mawala ang stage fright. Kapalit nito ay sasamahan naman ng binata si Ari sa pag-tupad nito ng bucket list.

Sa tulong ni Ari ay nagsimula na makapag-perform in public si Hanson kahit konti. Pero para sa agency na sinalihan niya, kulang pa ang effort niya at kailangan niyang manood ng isang musical play.

Pagkatapos ng meeting niya, nilapitan siya ng isang babae sinabing bilib ito sa pagkanta ng binata. Bukod pa dito, nilapitan siya ng dalawa pang fans pero dahil sa hiya ay nagmadali din umalis si Hanson.