
Bidang-bida ang ganda, fit, at sexy na pangangatawan nina Herlene "Sexy Hipon" Budol at Miss Manila na si Alexandra Abdon sa episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Sa episode nitong April 17, ibinahagi nilang dalawa ang sikreto para manatiling fit at healthy kahit pa nasa bahay lang dahil sa quarantine.
Kuwento ni Herlene kina Carmina Villarroel, Zoren, Cassy, at Mavy Legaspi, kahit na matagal nang slim ang kaniyang katawan, nakitaan niya rin ang naging pagbabago rito nang mag-quarantine.
"Dati naman po ganito na katawan ko. Sa awa naman ng diyos wala namang nagbabago sa akin. Noong quarantine lang po medyo nagkaroon ako ng bilbil."
Dahil sa pagbabagong ito ay pinili ni Herlene na mag-workout at mag-focus sa kaniyang kalusugan.
"Ngayon inaalagaan ko na po, nagwo-workout na po ako. Tapos kumakain na po ako nang tama sa oras tapos natutulog lang."
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition