What's on TV

Herlene Budol at co-stars sa 'Binibining Marikit,' pupunta sa Japan para mag-shoot ng ilang eksena sa serye

By Jansen Ramos
Published December 10, 2024 1:02 PM PHT
Updated January 30, 2025 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol in 24 oras


Tampok din ang Sparkle artist na si Herlene Budol sa “Ang Saya Saya ng Pasko sa Nagoya 2024” event na hatid ng GMA Pinoy TV.

Matapos sumabak sa pictorial ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit, pinaghahandaan naman ngayon ng cast ng soap opera na sina Herlene Budol, Pokwang, Tony Labrusca, at Mr. Manhunt International 2024 Kevin Dasom ang kanilang byahe pa-Japan para kunan ang ilang mga eksena nila roon.

First time ni Herlene sa Japan kaya naman nasasabik na raw siyang makarating sa tinawag na "Land of the Rising Sun."

"Nakakatuwa po pumunta sa gusto kong lugar lalo na kapag trabaho din, trabaho na may konting laboy," kuwento ni Herlene sa panayam ni Lhar Santiago para sa “Chika Minute” report nito sa 24 Oras kagabi, December 9.

Tampok din ang Sparkle artist sa “Ang Saya Saya ng Pasko sa Nagoya 2024” event na hatid ng GMA Pinoy TV. Gaganapin ito sa Hisaya Odori Park sa Nagoya, Japan sa December 14 at 15.

A post shared by GMA Pinoy TV (@gmapinoytv)

Tatlong araw lang mananatili si Herlene sa Japan dahil may iba pang mga trabahong naghihintay sa kanya sa Pilipinas.

Aniya, gusto rin daw niyang pagtuunan ang kanyang karakter sa Binibining Marikit.

Ika niya, "Kumbaga, gusto ko may bago naman na may maipakita si Herlene kumpara doon sa Magandang Dilag, kumpara sa naging karakter ko rin sa Black Rider.

"Sa lahat ng na-try ko po, gusto ko makakita po sila ng bagong flavor ba ng karakter ni Herlene as Binibining Marikit."

Ngayong dalawang linggo na lang at Pasko na, naghahanda na rin si Herlene para sa Christmas celebration nila ng kanyang pamilya.

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG BINIBINING MARIKIT SA GALLERY NA ITO.