GMA Logo Herlene Budol
What's on TV

Herlene Budol, bumalik ang confidence nang tawaging 'Magandang Dilag'

By Jimboy Napoles
Published November 9, 2023 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Herlene Budol sa pagiging Magandang Dilag: “Na-boost ulit 'yung confidence ko.”

Masayang ibinahagi ni Herlene Budol na bumalik ang kanyang confidence nang tawagin na siya bilang Magandang Dilag na kapareho ng titulo ng kanyang pinagbidahang GMA Afternoon Prime series.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang nakipagkuwentuhan si Herlene at kanyang Magandang Dilag co-star na si Maxine Medina sa batikang TV host na si Boy Abunda.

Dito ay tinanong ni Boy si Herlene kung may hinanakit ba siya sa mga tao dahil sa naging bansag sa kanya na “Hipon.”

Sagot ni Herlene, “Noong una ho, oo. Nagtatanong din naman ako sa sarili ko, 'Gano'n ba ako kapanget?' Pero nung lately po nung napagkakakitaan ko na siya parang, 'Ay I love hipon.'”

Pero ayon kay Herlene, nakaramdam ulit siya ng respeto nang tawagin na siyang “Magandang Dilag.”

Aniya, “Natutunan ko rito nung tinatawag na akong 'Magandang Dilag,' doon ko naramdaman ulit 'yung respeto.”

RELATED GALLERY: Herlene Budol, hindi ikinahihiya na galing siya sa hirap

Ayon pa sa aktres, bumalik muli ang kanyang kumpiyansa sa sarili nang tawagin na siyang “Magandang Dilag” at hindi na “Hipon.”

“Noong Binibining Pilipinas, doon ko [naranasang tawaging] Miss Herlene, tapos ngayon parang 'Hipon' turned 'Magandang Dilag,' parang na-boost ulit 'yung confidence ko na parang, 'Ay puwede palang magbago 'yung isang bagay,'” ani Herlene.

Sumang-ayon naman dito si Boy at nagpasalamat sa GMA sa pagbibigay ng magandang transition kay Herlene.

“Gusto ko lamang purihin ang GMA-7. Ang ganda ng evolution na 'yun mula sa 'Hipon,' 'Magandang Dilag' si Herlene ngayon. Parang again, hindi ka puwedeng pumuwesto nang permanente, you can go and evolve into something that is really beautiful,” ani Boy.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.