
Muling pinatunayan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makamit ang tagumpay sa Binibining Pilipinas 2022.
Sa katatapos lang na talent portion sa nasabing beauty pageant, humataw si Herlene sa pagpapakita ng kaniyang mga kakayahan at talento.
Nagmistulang concert ang naging performance ng comedienne-actress nang game na game siyang kumanta at sumayaw kasama ang anim niyang backup dancers.
Sa latest Instagram post ni Herlene, sinabi niyang ang kaniyang performance ay iniaalay niya sa LGBTQIA+ members kaugnay ng Pride Month, na ipinagdiriwang ngayong b Hunyo.
Ayon sa caption ng kandidata, “Gandang Hipon rocks the Binibining Pilipinas Talent Competition.
"Ito po ay alay ko sa LGBTQIA+ community, sa inyong walang sawang pagmamahal at pagsuporta sa BBP [Binibining Pilipinas] journey ko. Happy Pride Month sa lahat. Sana naibigan ninyo ang aking talent presentation. 'Yung dalawang araw na preparasyon ko, para akong nag-concert show para sa inyo… Lagi mong isuot ang iyong kumpiyansa. Ikaw ay maniwala na lahat ay kaya.”
Samantala, kilalanin ang ilang celebrities na proud members ng LGBTQIA+ community sa gallery na ito: