
Sama-sama nating panoorin ang isang kuwento tungkol sa tiwala at katapatan sa weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Siya kasi ang bibida sa episode na pinamagatang "Dugo-Dugo Girl."
Gaganap dito si Herlene bilang Junnimae, isang notorious na mambubudol. Mayayamang senior citizens ang target niya.
Mukhang makaka-jackpot si Junnimae kay Mommy Nova, played by Sherry Lara. Bukod sa mayaman ito, nag-iisa rin ito sa bahay.
Magtatagumpay kaya si Junnimae sa pambubudol kay Mommy Nova?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang "Dugo-Dugo Girl," November 3, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.