
Espesyal para kay Kapuso actress and comedienne Herlene Budol ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Tampok kasi dito ang kuwento ng kanyang nanay na si Lhen at si Herlene pa mismo ang gaganap sa kanya sa episode.
Tulad ni Herlene, makulay din ang buhay ni Mommy Lhen. Mahilig din itong sumali ng beauty pageants pero laging talunan.
Kinailangan pang iwan kanyang mga anak para makapagtrabaho. Dahil dito, hindi naging maganda ang relasyon ni Lhen kay Herlene at sa mga kapatid nito.
Paano nga ba nagkaayos sina Herlene at Mommy Lhen?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Tanging Ina ni Herlene," March 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.