GMA Logo herlene budol the boobay and tekla show
PHOTO COURTESY: herlene_budol (IG)
What's on TV

Herlene Budol, haharapin ang nakaiintrigang mga tanong sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published February 25, 2023 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos scrutinizing ratified 2026 budget —Palace
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol the boobay and tekla show


Nagbabalik ang actress at beauty queen na si Herlene Budol sa 'TBATS' at haharapin ang ilang nakaiintrigang tanong!

Isang masayang gabi ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit na The Boobay and Tekla Show dahil tiyak na punong-puno ito ng tawanan at good vibes.

Muling nagbabalik at mapapanood sa TBATS ang lead star ng upcoming afternoon prime drama na Magandang Dilag na si Herlene Budol.

PHOTO COURTESY: herlene_budol (IG)

Sasabak ang actress-beauty queen sa segment na “Sasagutin o Iinumin,” kung saan iba't ibang nakaiintrigang tanong ang haharapin niya.

Mayroon bang ipinaayos si Herlene sa kanyang katawan? Sino kaya sa tingin niya ang mas nakakatawang komedyante kina Tekla at Donita Nose? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na haharapin ng aktres.

Samantala, maglalaban sina Herlene at Mema Squad members Pepita Curtis, Ian Red, at Jennie Gabriel sa mock pageant na “Miss Planeta 2023.” Ituturo rin ng aktres sa Mema Squad kung paano i-execute ang best catwalk.

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (February 26) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEAUTY QUEEN LOOKS NI HERLENE BUDOL SA GALLERY NA ITO: