What's on TV

Herlene Budol, hiniwalayan ng boyfriend dahil sa onscreen kiss?

By Jansen Ramos
Published November 8, 2023 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Sa gitna ng paglago ng kanyang career, aminado si 'Magandang Dilag' lead actress Herlene Budol na marami rin siyang isinakripisyo tulad ng kanyang love life.

Mula sa pagiging TV contestant, host, at beauty queen, ngayon ay bida na si Herlene Budol sa isang top-rating series.

Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang programa na Magandang Dilag sa darating na Biyernes, November 10, emosyonal na nagbalik-tanaw ang aktres sa kanyang mga nakamit sa sit down interview ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, November 7.

"Nakakapundar na po ako kahit papaano, 'yung sure po ako na kung may magkasakit man po yung isa sa pamilya ko, kung maospital, 'wag naman po sana Lord, meron na po kaming pambayad kasi dati po wala e," umiiyak na bahagi ni Herlene.

Pero hindi daw lahat ng nakikita ng tao ay maganda dahil may mga isinakripisyo rin siya sa kanyang personal na buhay gaya ng kanyang love life.

Ayon kay Herlene, nagkahiwalay sila ng kanyang nobyo sa kasagsagan ng kanyang acting career.

Aniya, "Wala na po akong syota e, nag-break na po kami e. Siguro dahil sa first time kong nag-kiss ba sa TV...'Di ko po sure kung iyon pero bigla na lang po kaming nagba-bye-an po e until now naman po nag-uusap kami."

Sa ngayon, focus lang muna raw si Herlene sa kanyang career. "Ngayon po, happy po ako na binubuhos ko po ng buong buo dito sa aking career po muna."

Sa lahat ng ito, naging totoo lang daw siya sa kanyang sarili na sa tingin niya ay naging susi kung bakit minahal siya ng mga manonood. "Siguro po nakaka-relate po sila kung paano po ako magsalita."

Good vibes man ang ipinapakita ni Herlene sa TV at social media pero, pag-amin niya, lubha siyang naaapektuhan sa natatanggap na pamba-bash.

Paliwanag niya, "Nami-misinterpret po 'yun ng ibang tao so kahit po good 'yung sinasabi mo pero gan'to ho magsalita, ginagawa nilang bad."

Humahagulgol na dugtong ni Herlene, "Sobra ho [akong naaapektuhan], as in. 'Di po ako makakain, 'di po ako makatulog, iyak po ako nang iyak. Sinasabi ko, mali ba 'yung ginawa ko? Sa sampu pong ginawa ng isang tao, sa isang pagkakamali, burado po lahat. Mali ba ko? Gano'n kukuwestiyunin 'yung buong pagkatao ko na maski ikaw wala ka nang bilib sa sarili mo."

Sa kabila nito, nangingibabaw pa rin ang pasasalamat ni Herlene sa mga nagtiwala sa kanyang kakayahan kaya kung babalikan ang kanyang pagsisimula sa showbiz, "good job" ang kanyang masasabi para sa sarili.

Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.

Mapapanood ang huling tatlong episode ng Magandang Dilag ngayong Miyerkules, November 8, hanggang Biyernes, November 10, sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

BALIKAN ANG MGA INTENSE NA EKSENA NI HERLENE SA MAGANDANG DILAG: