
Nabahiran ng kontrobersya ang campaign ng comedienne-vlogger na si Herlene Budol a.k.a Hipon Girl na masungkit ang korona sa Binibining Pilipinas pageant.
Matapos manalo ng isang special beauty award sa Ever Bilena Cosmetics event, inulan ng negative comments ang caption niya sa Facebook nito lamang Huwebes, May 26.
Post ni Herlene sa Facebook, “Ang mga babae, maganda man o hindi nirerespeto yan!
“Ako nga pala si Binibini #8 - Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at naniniwala sa kasabihan 'Aanhin mo pa ang babaeng sexy at maganda kung halos lahat ng lalake nag planking na sa kanya' And i....Hip🦐n!!”
Maraming pumuna sa caption na ito ng komedyante at tila nakakabastos daw ito sa mga kababaihan.
Payo pa ni Hanie Raiza Campomanes Arajil kay Herlene, “Take down niyo na lang ang post. At isa pa po, mag-ingat sa mga posts and captions mo, malaki ang followers mo. And also, you're joining a pageant that empower women.
“I am sure the Binibining Pilipinas Organization is watching. Queenly thoughts lang dapat.”
Makikita sa comments section ng controversial post ni Herlene na humingi ito ng paumanhin sa kaniyang mga nasabi.
Aniya, “My apologies po. Palabiro lang po talga ako. Hayaan niyo po hindi na po mauulit. love u all”
Mero'n ding pailan-ilan na nagtanggol kay Hipon Girl.
Kayo, mga Kapuso, ano ang say n'yo sa Facebook caption ng pageant hopeful na si Herlene Budol?