GMA Logo herlene budol
What's Hot

Herlene Budol, inaming hindi kumita sa naunang vlogs niya

By Jansen Ramos
Published February 1, 2022 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Inamin ni komedyanteng si Herlene "Hipon" Budol na wala siyang kinita sa mga nauna niyang vlogs matapos lokohin ng mga taong pinagkatiwalaan niya.

Mahigit 1.5 million na ang subscribers ng YouTube channel ng TV host/comedienne na si Herlene "Hipon" Budol.

April 1, 2020 lang inilunsad ni Hipon ang kanyang channel at, sa ngayon, mayroon na itong mahigit 22.4 accumulated views.

Bentahe niya ang mga nakakaaliw niyang vlogs na nagpapakita ng mga ginagawa niya sa araw-araw na hinahaluan niya ng komedya dahil sa kanyang galaw at pananalita. Mapapanood din sa channel ni Hipon ang ilang nakakatawang video challenges at collaborations.

Sa ngayon, ang vlog niya kasama si Alex Gonzaga, na pinamagatang "Unboxing Gucci," ang may pinakamataas na views sa kanyang YouTube channel.

Pero pag-amin ng dating Wowowin contestant and co-host, wala siyang kinita sa mga nauna niyang vlogs matapos lokohin ng mga taong pinagkatiwalaan niya.

Malungkot na ibinahagi niya sa kanyang Facebook post ngayong February 1, "Marami akala mayaman na ako dahil maraming views at daming subs ang Hipon Girl n'yo. Pero ang totoo wala ako nakukuha ni singkong duling mula nagsimula ang channel ko.

"Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala at binigay ko mga password para maka-access sila tapos kinahoy lang ang sahod ko."

Buti na lang daw ay nagkaroon siya ng bagong manager sa katauhan ni Wilbert Tolentino, na nag-ayos ng mga kailangan niya para sa kanyang YouTube channel.

Magandang balita ni Hipon ngayong Chinese New Year, nakapagbukas na siya ng sarili niyang dollar account kung saan direktang ipapasok ang sahod niya mula YouTube simula ngayon.

Ayon pa kay Hipon, "answered prayer" ang pagdating ng bago niyang manager. Nagpasalamat din siya sa internet sensation na si "Madam Inutz" (Daisy Lopez sa tunay na buhay), na alaga rin ni Wilbert, dahil sa suporta nito.

Ani Hipon, "God bless sa atin at lagi ko kayo kasama sa prayers ko."

Mula sa pagiging Wowowin contestant noong 2019, ngayon ay hindi lang isang ganap na vlogger si Hipon, kung 'di isa na ring aktres.

Naging parte siya ng ilang programa ng GMA at, ngayong 2022, matutunghayan naman ang ibang side niya sa upcoming fantasy rom-com ng GMA na False Positive, na pagbibidahan nina Glaiza De Castro at Xian Lim. Dito ay gaganap si Hipon bilang mythical character na si Maganda, kasama si Buboy Villar na magbibigay-buhay naman kay Malakas.

Tunghayan ang beautiful transformation ni Hipon sa gallery na ito: