
Pinatunayan ni Herlene Budol ang pagiging ate niya sa content creator na si Bea Borres sa kanilang collab kasama si Alex Gonzaga.
Sa vlog na “Puto Bumbong Girls by Alex Gonzaga,” nagkaroon ng bonding sina Herlene, Bea, at Alex sa paggawa ng puto bumbong at bibingka bilang malapit na ang Kapaskuhan.
Habang nagmu-mukbang ng puto bumbong, naitanong ng Sparkle artist ang napagdaanang heartbreak ni Bea.
Agad namang nagbigay ng payo si Herlene bilang ate at pinapalakas niya ang loob ng soon-to-be mom nang malaman niya ang pinagdaanan ni Bea.
“Alam mo, hindi mo kawalan kasi napakaganda ng lahi mo tapos sinayang niya 'yung ganda mo at saka 'yung bait na meron ka,” sabi ni Herlene.
Nagpakita rin ang aktres ng suporta kahit ngayon lang sila nagkaroon ng collab ng content creator.
“Alam mo kahit hindi tayo close masyado, kaya kong bugbugin kung sino manloloko sa 'yo. Parang ganon 'yung feeling. Parang hindi mo deserve,” pahayag niya.
Nagbiro rin ito at nagpresenta na maging ninang ng anak ni Bea.
Sa gitna ng biruan, naitanong muli ni Herlene kung ano ang ginawa ng ama ni Baby Pea kay Bea.
Ipinaliwanag naman ni Bea na mayroon din siyang naging pagkukulang noong sila pa ng ama ng kanyang anak.
“Hindi kahit anong fault mo, binuntis ka niya. Fault niya 'yun,” aniya.
Dagdag pa niya, “Wala, poprotektahan kita sa lahat.”
Inamin din ni Herlene na nasubaybayan niya si Bea bilang content creator at natutuwa siyang panoorin ang young mom.
Matapos ianunsyo ni Bea ang kanyang pregnancy sa kanyang YouTube channel noong August, naging usap-usapan online ang ama ng anak ng content creator na pinangalanan nilang Meray Yamada.
Kinumpirma naman ito ni Meray sa isang comment, na sinundan ng isang confirmation video mula kay Bea sa isang TikTok stitch.
Video courtesy of Alex Gonzaga Official (YouTube)
RELATED GALLERY: The father of Bea Borres' baby: Who is Meray Yamada?