
Ikinagulat daw ni Herlene Budol na isa na siya sa mga hosts ng TiktoClock.
Kaabang-abang ang dagdag na saya at kulit ni Herlene sa Kapuso morning variety show na TiktoClock.
PHOTO SOURCE: YouTube: GMA Integrated News
Inilahad ng Kapuso comedian na hindi niya inaasahan na mapapabilang siya sa mga hosts ng TiktoClock. Kuwento ni Herlene kay Nelson Canlas sa 24 Oras, "Akala ko noong una, trial lang ho e. Pero ngayon, tuloy-tuloy na daw po ito. First love ko po 'to."
Matatandaang nagsimula ang career noon ni Herlene sa hosting nang siya ay madiskubre sa Wowowin.
RELATED GALLERY: LOOK: Career highlights of Herlene Budol
Ani Herlene, "Hindi ko naman kasi in-expect dati na magiging host ako. Ngayon, parang nagpa-flashback po sa akin 'yung mga bagay-bagay noon."
Ayon pa kay Herlene excited siyang makatrabaho ang mga TiktoClock hosts na kaniyang mga iniidolo.
"Idol ko po si Mamang Pokwang as a comedian. Si Kuya Kim, parang araw-araw po ako na Google na dala-dala."
Ikinuwento pa ni Herlene na nakakakuha siya ng gabay mula kay Donita Nose na kaniyang dating nakasama bilang co-host.
"Si Mama Donita (Nose), hanggang ngayon, ginagabayan niya pa rin ako."
Abangan si Herlene sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at GTV. Maaari ring abangan ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.
Mapapanood din si Herlene sa Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.