GMA Logo herlene budol grand budol walk
What's Hot

Herlene Budol, ipinasilip ang kanyang 'grand budol walk'

By Jansen Ramos
Published June 20, 2023 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol grand budol walk


Binigyan ng bagong bihis ni 'Magandang Dilag' lead star Herlene Budol ang kanyang pasarelang 'squammy walk' na tinawag niya ngayong 'grand budol walk.'

Kinumpirma ni Herlene Budol na tuloy na tuloy na ang kanyang pagsabak sa Miss Grand Philippines 2023 nang makausap siya ng press sa media conference ng bagong series niya sa GMA na Magandang Dilag. Ito ay matapos makapasok siya sa screening ng nasabing beauty pageant.

Ngayong Martes, June 20, ipakikilala na ang mga opisyal na kalahok sa Miss Grand Philippines 2023 sa isang sashing ceremony and press presentation na gaganapin sa Ballroom B, Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City.

Bago pa man ang event, ipinasilip ni Herlene ang kanyang pasarela na gagamitin sa kompetisyon na tinawag niyang "grand budol walk."

Sa videong ipinost niya sa Instagram noong June 18, litaw na litaw ang kanyang balingkinitang katawan sa sexy black dress niya kung saan kapansin-pansin ang kanyang balakang at long legs, habang ginagawang catwalk ang isang parking lot.

"From Squammy walk to Grand Budol walk 😘 #teaserfortransformation," sulat niya sa caption.

Hinangaan naman ng followers ni Herlene ang kanyang pasarela, kabilang na si Graciella Lehmann, na matunog din ang pagsali sa Miss Grand Philippines 2023.

Gaganapin ang coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 sa July 13 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

BAGO SIYA SUMABAK MULI SA PAGEANT, BALIKAN ANG ILANG LARAWAN NI HERLENE BUDOL BILANG BEAUTY QUEEN: