
Natanggap ni Herlene Budol ang kanyang unang acting award matapos kilalaning Best Supporting Actress ng Kapisanan ng mga Kamag-anak ng Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. o KAKAMMPI.
Iginawad sa Sparkle artist ang parangal noong December 14 sa Selah Pods Hotel sa Pasay City. Ito ay para sa kanyang pagganap bilang Pretty sa GMA Prime series na Black Rider, na pinagbidahan ni Ruru Madrid.
Sa Instagram post ni Herlene noong Huwebes, January 9, ipinakita niya ang kanyang trophy at nagpasalamat sa mga taong nagtiwala sa kanya.
Sabi niya, "MARAMING SALAMAT SA @gmanetwork @gmadrama DIRECT @penesarommel KALA KUYA RURU AT SA LAHAT NG BUMUBUO NG @blackriderkapuso at SA MGA OFW NA NAPASAYA NG MGA PROGRAMA NG GMA AT SA BUONG PILIPINAS @KAKAMMPI sir @sirwil75 thankyou boss sa mga turo nyopo @annettegozonvaldes salamat po sa tiwala @jannavarro74 salamat po @juanmichaelkino @mamadodong thankyou everyone love you."
Sa ngayon, napapanood si Herlene sa daily Kapuso variety show na TiktoClock kung saan isa siya sa mga host.
Magpi-premiere naman sa Pebrero ang bago niyang soap operang pagbibidahan, ang Binibining Marikit, na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG UPCOMING GMA DRAMA.