
Mala-Barbie ang look ni Herlene Budol sa bagong set of photos na in-upload niya sa Instagram kahapon, August 8, ayon sa kanyang followers.
Suot niya ang isang asymmetrical fuchsia dress kung saan exposed ang kanyang side boob sa isang bahagi.
Ini-relate pa ni Herlene ang kanyang fierce look sa kanyang Magandang Dilag character na si Gigi, na nag-transform sa isang maganda at palabang babae bilang Greta V. para maghiganti.
"Grabe ka Gigi Robles! Memorize mo na pala ang plano ninyo," sulat niya sa simula ng kanyang caption.
Idinesenyo ang damit ni Herlene ng local fashion designer na si Ulysses Caragayan, na dinadamitan din ang ilang bigating artista gaya nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Bea Alonzo, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Sarah Lahbati, at iba pa.
NARITO ANG IBA PANG FASHION LOOKS NI HERLENE BUDOL: