
Isang mensahe ang iniwan ni Herlene Budol tungkol sa epekto ng korapsyon sa bansa.
Sa kaniyang Facebook account, nag-post ang TiktoClock host na si Herlene ng personal niyang karanasan sa patuloy na pagbaha sa bansa.
Saad ni Herlene, "WALA KONG PICTURE NUNG BATA AKO KASE BINAHA!"
Dugtong pa niya, "HINDI LANG YUNG FUTURE NAMIN NINAKAW NYO KUNG HINDI BUHAY AT ALALA NG NAKARAAN! END CORRUPTION!"
Kasama pa ni Herlene ang co-hosts na si Pokwang at ang "Tanghalan ng Kampeon" season 2 grand champion na si Tala Gatchalian. Ito ay ang kanilang pakikiisa sa naganap na mga rally noong September 21.
Samantala, narito ang mga naganap sa pakikiisa ng TiktoClock:
BALIKAN ANG MGA BEAUTY QUEEN PHOTOS NI HERLENE BUDOL: