GMA Logo Herlene Budol
What's on TV

Herlene Budol, mayroon bang ipinaayos sa kanyang katawan?

By Dianne Mariano
Published February 28, 2023 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

La Salle heads: Senate seen shielding powerful, not upholding law
Pila ka mangunguma, nagapreparar sang talamnan sa pagsugod sang pag-ulan-ulan | One Western Visayas
Cookie brand, BTS create purple hotteok-flavored snack

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Ano'ng bahagi ng katawan ni actress-comedienne Herlene Budol ang kanyang ipinaayos? Balikan ang February 26 episode ng 'TBATS' dito.

Iba't ibang nakaiintrigang mga tanong ang hinarap ni actress-beauty queen Herlene Budol sa kanyang guest appearance sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (February 26).

Sumalang ang Magandang Dilag lead star sa “Sasagutin o Iinumin” segment ng naturang programa at isa sa mga tanong ay kung anu-anong bahagi ng kanyang katawan ang ipinaayos niya.

Ayon kay Herlene, ito raw ay ang kanyang ilong. “Nagpa-tip po ako nitong pinaka-bilog dito. 'Di ba dati ito, medyo mataba, hinila lang po 'yan ni Doc. Thread with filler,” sagot niya.

Matapos ito, nabunot ni Herlene ang pangalan ni Mema Squad member Ian Red sa isang box at siya ang uminom ng inihandang bagoong shake bilang consequence.

Isa pa sa mga tanong para sa komedyante ay kung alin sa tatlong salita ang puwedeng mag-describe sa ilang kandidatang ka-batch niya sa Binibang Pilipinas pageant noong 2022.

Ang mga pagpipilian ay: A. Maraming plastik, B. Maraming maarte, at C. Maraming matapobre.

Pinili itong sagutin ni Herlene at sinabi, “Madaming maarte.” Paliwanag niya, “May deserve kasing umarte. Kagaya ko prim and proper kasi dati wala lang ako, bardagul lang ako hanggang ngayon pala. Pero may part na dapat kang umarte: kung paano ka gumalaw, kung paano ka magsalita dahil itinuturo sa amin 'yung pagiging tunay na babae.”

Muli namang nabunot ni Herlene ang pangalan ni Ian Red sa box ngunit piniling inumin ng Binibining Pilipinas 2022 first runner up ang inihandang labanos shake imbis na ang komedyante.

Bukod dito, ipinakita nina Herlene at ng Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, at Jennie Gabriel ang kanilang galing sa pagrampa sa mock pageant na “Miss Planeta 2023” at humarap din sa Q&A.

Sino kaya ang tinanghal na “Miss Planeta 2023”? Alamin sa nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show sa video na ito.

Samantala, mapapanood si Herlene sa upcoming GMA series na Magandang Dilag, kung saan makakasama niya sina Kapuso stars Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, at marami pang iba.

Para sa nonstop saya at tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEAUTY QUEEN LOOKS NI HERLENE BUDOL SA GALLERY NA ITO.