GMA Logo Herlene Budol
What's Hot

Herlene Budol, nag-guest sa podcast ni Kuya Kim Atienza

By Marah Ruiz
Published August 12, 2025 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Si Herlene Budol ang latest guest sa weekly podcast ni Kuya Kim Atienza.

Bumisita si beauty queen and actress Herlene Budol sa Ano Ba Talaga?, ang weekly podcast ng kanyang kaibigan at kapwa Kapuso na si Kuya Kim Atienza.

Pinag-usapan nila dito ang tungkol sa career ni Herlene at iba't ibang pagsubok niya bago narating ang status bilang leading lady.



Ginunita ni Herlene ang pagpasok niya noon bilang extra.

"Mas malaki kasi bayad kapag extra ka na naka two-piece ka. 'Pag naka two-piece, umabot ako doon ng P3,500. Oo, isang araw, P3,500. Pero kasi 'yun, minsanan lang," bahagi niya.

"Kapag mga daan daan ka lang, P500 lang. 'Pag may lines ka, P2,500. Pero 'pag swimsuit talaga, 'pag model ka, na-lineup ka sa model, hindi ka na-lineup sa mga iskwaming kapitbahay, [malaki ang bayad]. 'Pag mga iskwaming kapitbahay, mga P500 lang 'yun," dagdag ni Herlene.

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Dahil sa kanyang trabaho bilang artista, nawalay din si Herlene sa kanyang pamilya.

"Nami-miss ko 'yung mga moment na kasama ko sila kasi parang OFW po talaga ako sa Quezon City. Kahit na Angono lang sila, hindi naman ho ako makakauwi basta basta. Tatawag na lang ako. Andoon 'yung point na parang iniisip ko na dati ayokong makisabay sa kanila kumain kasi ako 'yung maghuhugas ng pinggan pakgatapos. Sabi ko, kahit gaano kadaming pinggan 'yung huhuugasan ko basta makasabay ko lang ulit sila," kuwento ng aktres.

Aminado rin si Herlene na hinahanaphanap niya ang aruga mula sa kanyang pamilya.

"Parang buong buhay ko, Kuya Kim, parang ako lang mag-isa. Parang lagi akong longing sa pagmamahal," emosyonal na lahad niya.

Pansamantalang napunan ng isang ex-boyfriend ang pangungulila niyang ito.

"Dati, nagka-syota ako. Talagang noong naranasan ko 'yung pag-aalaga, sabi ko, hindi ko na papakawalan 'to. Gusto ko 'yung ganito, gusto ko 'yung nararanasan kong maalagaan, gusto ko 'yung may nag-aasikaso din naman sa akin," paggunita niya.

Pero agad din daw niyang natutunan na kailangan niyang matutunang mahalin ang sarili.

"'Yun pala, hindi. Huwag mong hanapin 'yung pagkukulang mo sa ibang tao. Kailangan ikaw mismo. Mahalin mo muna 'yung sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao," aniya.

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Mapapakinggan nang buo ang interview ni Kuya Kim kay Herlene sa Ano Ba Talaga? With Kuya Kim sa Spotify.

Bukod kay Herlene, naging guests na rin dito ang plastic surgeon na si Dr. Eric "Doc Yappy" Yapjuangco, komedyanteng si Red Ollero, running coach na si Rio de la Cruz, singer actress na si Geneva Cruz, at marami pang iba.