GMA Logo Herlene Budol
PHOTO SOURCE: @herlene_budol
What's on TV

Herlene Budol, nagpapasalamat na napasama bilang host ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published July 4, 2024 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTFRB to bare fare hike plan to DOTr on Monday
How to add 'golden elegance' to home Christmas decorations
Monterrazas welcomes probe; denies causing deadly Cebu floods

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Nagpasalamat si Herlene Budol sa 'TiktoClock' at sa GMA dahil sa bago niyang proyekto.

Puno pa rin ng pasasalamat si Herlene Budol na opisyal na siyang host ng TiktoClock.

Noong Abril ay ibinahagi sa mga Tiktropa na kabilang na sa mga hosts si Herlene. Siya ay kasama na nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Faith Da Silva, at Jayson Gainza sa pag-host tuwing umaga sa variety show na TiktoClock.

PHOTO SOURCE: @herlene_budol

Sa Kapuso Artistambayan, inilahad niya ang pasasalamat sa blessing na ito sa kaniyang career.

Ani Herlene, "Nakaka-proud na naging part ako ng TiktoClock. Nag-flashback 'yung una kong work na naga-approach ako ng mga tao sa game show."

RELATED GALLERY: LOOK: Career highlights of Herlene Budol


Dugtong pa ni Herlene, ikinagulat niya nang malaman niyang regular host niya sa TiktoClock.

"Nakakatuwa kasi sabi nila 13 weeks lang hanggang sa naibalita na nga na regular na po ako. Na-surprise din po ako. Hosting po kasi 'yung first love ko tapos binalik po sa akin ni Lord at ng GMA."

Nagpasalamat naman si Herlene sa itinuturing niyang bagong pamilya.

"Thank you so much, bagong pamilya ko ang TiktoClock family."

Parte ng pagiging host ni Herlene sa TiktoClock ay mag-interview ng mga contestants ng "Tanghalan ng Kampeon". Ayon kay Herlene, masaya siya na nagiging part siya ng journey ng mga sumasali sa Tanghalan ng Kampeon.

"Naging part rin ako ng journey nila kasi kami nag-i-interview sa kanila bago sila sumalang."

Saad ni Herlene, ramdam niya ang inspirasyon ng bawat contestants na sumasali rito.

"Parang alam na namin ang background nila bago sila sumalang. Alam namin 'yung bitbit nilang inspirasyon bago sila lumaban."

Sa ngayon, napapanood na sa TiktoClock ang season 2 ng Tanghalan ng Kampeon.

Abangan si Herlene sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at GTV. Maaari ring abangan ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.