
"Panalo pa din"
Ito ang hirit ni Herlene Budol sa kaniyang TikTok at Instagram videos pagkatapos ng kaniyang pagkakahulog sa stage sa ginanap na GMA Gala 2024.
Ipinakita niya sa video ang ilang celebrities na naka-bonding sa GMA Gala 2024. Isa rito ay si Alden Richards na pumayag pa magpa-kiss at magpayakap kay Herlene.
Hirit pa ni Herlene sa kaniyang post, "Okay lang ma-fall basta may kiss."
PHOTO SOURCE: Herlene Budol
Nakasama rin ni Herlene sina Yassi Pressman, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, at Vice Ganda. Naka-bonding pa niya sina Michael V., Jayson Gainza, Cong TV, at Viy Cortez.
Dahil nag-viral ang pagkakahulog ni Herlene sa stage ay nag-post na rin siya tungkol dito. Saad ng TiktoClock host, "Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa pamilya #GMAGala2024”
Samantala, sa isa pang post ay may paalala si Herlene sa mga netizens.
“'Pag nadapa, hindi [dapat] pinagtatawanan. Accident always [happens]! Sa palagay n'yo ba gusto ko madapa? Lahat ng tao nadadapa, naaksidente, ang importante safe at 'di nasugatan.”
Sa buhay kapag na dapa ka, Bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya.#GMAGala2024 🦐🦐🦐 https://t.co/lTMFOqBM4M
-- Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
Pag dapa indi pinag tatawanan. Accident always happened! Sa palagay nyo ba gusto ko ma dapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente, Ang importante safe at d nasugatan. #GMAGala2024
-- Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
BALIKAN ANG SPARKLING RED CARPET LOOKS SA GMA GALA 2024