GMA Logo Herlene Budol, Catherine Camilon
Source: herlene_budol, catherine_camilon (Instagram)
What's on TV

Herlene Budol, nanawagan upang tuluyang mahanap si Miss Grand Ph candidate Catherine Camilon

By Jimboy Napoles
Published October 18, 2023 6:23 PM PHT
Updated October 22, 2023 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol, Catherine Camilon


Nananawagan si Herlene Budol upang mahanap ang missing beauty queen na si Miss Grand Ph candidate Catherine Camilon.

Nangangamba ang beauty queen at Magandang Dilag actress na si Herlene Budol sa ilang araw nang pagkawala ng kaniyang kasamahan sa Miss Grand International at kasalukuyang Miss Grand Philippines candidate na si Catherine Camilon.

Ayon sa report, noong Huwebes, October 12, pa nawawala si Catherine at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng mga awtoridad.

Sa “Today's Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda, ipinadala ni Herlene ang panawagan upang matulungang mahanap ang kaibigan na si Catherine.

Aniya, “Catherine Camillon is one of my sisters sa Miss Grand International. Sana kung nasaan man siya ay nasa maayos siyang kalagayan at makauwi na siya sa kanyang pamilya.

“Tulong-tulong po tayo na mag-share ng information para mapabilis ang paghahanap sa kanya. Sis, uwi ka na.”

Bukod sa pagiging beauty queen, si Catherine ay isang high school teacher at residente sa Barangay Rillo sa Tuy, Batangas.

Ayon sa ina ni Catherine, huli niyang nakausap ang anak habang ito ay nasa isang gasoline station patungo ng Bauan, Batangas.

Umalis ito sa kanilang tahanan sakay ng isang Nissan Juke na may plakang NEI-2990.

Samantala, patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.