GMA Logo Herlene Budol
Celebrity Life

Herlene Budol, nangakong hindi lalaki ang ulo matapos makapasok sa Bb. Pilipinas 2022

By Jansen Ramos
Published April 23, 2022 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


"Mahalin n'yo ako bilang Hipon na nakilala n'yo sa Wowowin as TV host ah," hiling ng 'False Positive' star na si Herlene "Hipon Girl" Budol sa kanyang fans.

Abot-abot ang pasasalamat ng False Positive star na si Herlene 'Hipon Girl' Budol dahil nasagot ang panalangin niya na makapasok sa final 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2022.

Aniya, na-speechless at wala siyang tigil sa kakaiyak nang tawagin ang kanyang numerong 67 sa final screening ng beauty pageant noong Biyernes, April 22.

Hiling naman ni Herlene sa kanyang fans na kung tawagin niya ay "KaSquammy," "KaBudol," at "KaHipon," gayundin ang mga "KaInutz" at "KaFreshness," na patuloy siyang suportahan sa kanyang Binibining Pilipinas journey. "KaInutz" ang tawag sa fans ng kapwa niya vlogger na si Madam Inutz, samantalang "KaFreshness" naman ang tawag sa fans ng manager nilang si Wilbert Tolentino.

Ani Herlene, "Huwag n'yo po ako iwan sa aking journey, ah.

"Mahal na mahal ko kayo, mga KaSquammy, KaBudol at Kahipon, KaInutz, KaFreshness. Sana mahalin n'yo rin ako tulad ng pag-aalaga sa akin ng aking manager na si Wilbert Tolentino at nagbigay ng tiwala at oportunidad na nakikita n'ya para sa aking karera.

"Ipagtanggol n'yo ako 'pag may mag-bash sa akin, ah. Mahalin n'yo ako bilang Hipon na nakilala n'yo sa Wowowin as TV host ah.

Bilang ganti sa kanilang suporta, nangako si Herlene na mananatili siyang mababa ang loob sa kabila ng kanyang achievements.

Sabi pa niya, "Ipinapangako ko rin na hinding-hindi ako magbabago at hinding-hindi po lalaki ang aking ulo."

Ang mga titulong Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe ang mga paglalabanan sa edition ng Binibining Pilipinas ngayong taon. Ang mga mapalad na kandidata na magwawagi sa kompetisyon ay magiging kinatawan ng bansa sa international counterpart ng mga nasabing pageant.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang mga qualities ni Herlene na patunay na siya ay pageant-ready: