
Nasa throwback mode si Kapuso beauty queen and comedienne Herlene Budol.
Napa-reminisce siya sa pinagbidahang serye ng Magandang Dilag dahil sa isang litrato na ipinadala sa kanya.
Maraming magagandang alaala si Herlene sa programa kaya nais daw niyang panoorin muli ang episodes nito.
Gumanap sa serye si Herlene bilang Gigi, babaeng hindi nabiyayaan ng kagandahan sa panlabas na anyo pero mayaman naman sa kabutihang loob.
Magbabago ang buhay niya matapos makatanggap ng malaking pamana mula sa kayang estranged father.
Kasama niya sa serye sina Rob Gomez, Benjamin Alves, Maxine Medina, Bianca Manalo, at marami pang iba.
Available for streaming ang Magandang Dilag sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI HERLENE BUDOL SA GALLERY NA ITO: