
Sa pagbisita ni Binibining Marikit star Herlene Budol sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 5, inamin niyang nasaktan siya tuwing tinatawag siyang 'bobo' ng mga tao.
“[Masakit] po 'yun, bobo. Ikaw ba naman sabihan ka ng bobo, harap-harpan, comment, behind your back, talagang sinasabi po sa 'kin, [ang] bobo 'ko,” sabi ni Herlene.
Gayunman, ginagamit daw ito ng beauty queen-actress para patunayang puwede pa niyang pagbutihin ang sarili. Sa katunayan, naging mentor pa umano niya ang King of Talk na si Boy Abunda, na proud maging bahagi ng kaniyang paglalakbay.
“Nagkasalubong tayo, nakita ko kung how hungry you were to learn. Gutom na gutom ka. Sobrang patay-gutom para matuto,” sabi ng batikang host.
Dagdag naman ni Herlene, “Kagaya nga po ng sinabi ko sa Your Honor, kina Buboy (Villar) at Tuesday (Vargas), sinabi ko po, nito ko lang na-realize na hindi lang po pala ako 'yung bobo dito, lahat po. Marami tayo, tanggapin n'yo lang.”
Aminado naman si Herlene na marami pa siyang hindi alam kaya naman, hinikayat niya ang mga tao na turuan siya sa mga bagay na iyon, at ipinangakong tuturuan din niya ang mga ito ng mga bagay na alam niya.
BALIKAN ANG BEST REACTIONS NG ILANG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:
Ayon kay Herlene, kung dati ay pinapatulan niya halos lahat ng mga pang-aasar at pangmamata sa kaniya, ngayon ay mas pinipili na niya ang kaniyang mga laban. Para sa aktres, mas nag-mature na siya para malaman na hindi dapat lahat ay kailangan patulan.
“Sayang naman po 'yung pag-gain ko ng respeto sa sarili ko. Tito Boy, pinakamahirap po pala na na-discover ko 'yung kung paano ko rerespetuhin 'yung sarili ko,” sabi ni Herlene.
Dagdag pa ng dating beauty queen ay nakuha niya ang respeto ng ibang tao simula nang sumali siya sa mga beauty pageant, kabilang na pagsali at pagkuha niya ng first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022.
“Dati tinatawag ako, 'Hoy, Hipon, shout out sa'yo!' Ngayon parang naa-appreciate ko 'yung 'Hi, Miss Herlene. Hi, Miss Budol, how are you po?' Parang, 'Ay puwede pala akong kausapin ng ganu'n din, kung paano ko sila kausapin,' paumpisa at pabalik,” sabi ni Herlene.
Kung dati ay wala siya umanong kumpyansa sa sarili, ngayon ay mas pinagtutuunan na ni Herlene ng pansin
“Hindi naman sa inaangat ko 'yung sarili kong bangko, uunahin n'yo munang mahalin 'yung sarili n'yo bago kayo magmahal ng ibang tao. At saka para rin 'yung respeto nila sa'yo, solid,” sabi ni Herlene.