
"After 4 yrs nabati din ako."
Ito ang pahayag ng comedienne na si Herlene Budol a.k.a. Sexy Hipon sa kanyang Facebook post kamakailan, na naglalaban ng video birthday greeting mula sa kanyang celebrity crush na si Jak Roberto.
Kasama sa post na ito ang screenshots na nagpapatunay na simula pa noong 2017 ay nagpa-private message na si Herlene kay Jak para humingi ng birthday greeting.
Sabi pa ni Herlene sa kanyang post, "Alam nyoba na si Jak Roberto ang crush ko dati haha wala share ko Lang kaya ate Barbie peram muna."
Sa sumunod na screenshot, makikita na nag-reply na kay Herlene si Jak matapos ang apat na taon.
Kaya naman sabi ng aktor, "Sorry ngayon ko lang nabasa to HAHAHA since 2017 pa pala tong message mo!"
Sa huli, nakapag-record na ng video greeting si Jak para kay Herlene. Panoorin dito:
At nagkasama pa sila sa isang TikTok video:
Dahil dito, sabi ng dalagang komedyante, "KAYA IKAW WAG KA MAWALAN NG PAG AASA NANINIWALA NAKO SA PM IS THE KEY HAHA."
Kasalukuyang magkasama sina Jak at Herlene sa GMA Afternoon Prime series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye. Abangan din sila sa episode ng Dear Uge na "Asymtopangit."
Samantala, tingnan ang mga lalaki sa buhay ni Herlene dito: