
Dalawang comedy heavyweights ang makakasama ng Running Man Philippines cast members ngayong July 13 at July 14 sa bago nilang race na "Prison Break"!
At para sa mas astig at malupit na 'K-labanan', makakasama ng Pinoy Runners ang mga paborito n'yo na Sparkle talents na sina Herlene Budol at former Bubble Gang star Archie Alemania.
Sa isang web exclusive video, inilarawan ng Kapuso beauty queen na si Herlene na 'malupit' ang naging tunggalian nila sa shooting ng Running Man Philippines.
Aniya, “Obvious na obvious naman noh na sobra hong lamig! Kaya sobrang happy ko po na nakakita na rin ako ng snow. At sobrang saya ng episode namin. Kung aabangan n'yo ho talagang solid pa sa pinaka-solid [kaya] naging competitive ako dun. So abangan nyo! Sobrang lupit ng paglalaban namin dun.”
“Sobrang saya, quality! Running Man [Philippines] is the best,” dagdag ni Herlene.
Dapat daw abangan ng viewers ang different side ni Archie Alemania na ipinakita ang kaniyang competitive side.
Lahad ng Sparkle comedian, “Mag-e-enjoy kayo, kakaibang Archie [ang] makikita n'yo. Kung lagi n'yo ako nakikitang nagpapatawa ako. Dito, makikita n'yo competitive naman ako pagdating sa takbuhan, pagdating sa mga games. Pagdating sa mga challenges. Ipapangako ko sa inyo yan, sisibakin ko 'tong mga 'to”
Heto ang pasilip sa all-new race this weekend sa Running Man Philippines season two!
Watch Running Man Philippines season two on weekends at 7:15 p.m. You can also catch the delayed telecast of Running Man PH on GTV at 9:45 p.m. every Saturday and 11:05 p.m. on Sunday.
RELATED CONTENT: KOREAN STARS APPEARING ON RUNNING MAN PH SEASON TWO