
It's official!
Pasok ang False Positive star na si Herlene 'Hipon Girl' Budol sa opisyal na 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2022.
Live itong inanunsyo ngayong Biyernes, April 22, sa Facebook page ng Binibining Pilipinas.
Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang kanyang numerong 67 sa final screeening ng beauty pageant.
Ang mga titulong Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe ang mga paglalabanan sa edition ng Binibining Pilipinas ngayong taon. Ang mga mapalad na kandidata na magwawagi sa kompetisyon ay magiging kinatawan ng bansa sa international counterpart ng mga nasabing pageant.
Tingnan ang Bb. Pilipinas journey ni Herlene sa gallery na ito: