
Proud at puno ng confidence si Herlene Budol sa naging "overall look" niya para sa GMA Gala 2024.
Ayon sa aktres, kung noong nakaraang taon ay naging "tagong-tago" siya sa kanyang outfit, ngayon ay "in all-out" na niya sa kanyang Venus-inspired gown na likha ng fashion designer na si Leo Almodal.
"Nakaka-proud siyang dalhin kasi talagang tumataas 'yung confident," ani Herlene sa interview ng GMANetwork.com.
Umani naman ng papuri mula sa netizens ang naging look ni Herlene para sa GMA Gala.
Ani ng ilang netizen, "kabog," "bongga," at naging "elegante" ang pagkakadala niya sa kanyang gown.
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA GMA GALA 2024 SA GALLERY NA ITO: