What's on TV

Herlene Budol, pursigidong sumali sa pageants kahit patuloy na gumaganda ang showbiz career

By Marah Ruiz
Published June 22, 2023 2:52 PM PHT
Updated June 22, 2023 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pride colors on full display in UP Diliman
Joy Barcoma confirms she will not have a final Miss Philippines Earth walk
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Patuloy pa ring sasali sa beauty pageants si Herlene Budol kahit na paganda nang paganda ang kanyang showbiz career.

Isa sa mga kandidata ng beauty pageant na Miss Grand Philippines 2023 si "Hipon Girl" Herlene Budol.

Kasalukyan siyang nasa Boracay ngayong para sa swimsuit competition ng nasabing pageant.

Aminado si Herlene na kabado siya sa pagpasok sa pageant. Nadoble pa ang kanyang nerbiyos dahil nakatakda na ring magsimula ngayong parating na Lunes, June 26, ang bago niyang GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag.

"'Yung kaba na 'yun, 'yun 'yung magpapapursigi pa sa 'yo ng mas sobra-sobra dahil hindi ka nagiging petiks, hindi ka nagiging kalmado. Ibig sabihin, gigil ka sa lahat ng ginagawa mo," pahayag ni Herlene.

Excited na rin daw siyang mapanood ng mga Kapuso ang serye dahil sigurado siyang maraming makaka-relate rito.

"Sobrang ganda noong kuwento. Hindi naman nakakalayo sa kung ano 'yung mga na experience ko sa buhay. Ang ganda noong story na hindi ko akalain na mangyayari at magagawa ko po ng tama," lahad niya.

Hindi rin daw malayo sa personalidad niya ang karakter niya sa serye.

"As Gigi Robles naman po, wala po siyang pinagkaiba as Herlene. Sobrang trying hard niya sa lahat ng bagay. Gusto lang niyang maging masaya 'yung pamilya niya. Also, ayaw niyang napapagod dahil may goal siya sa buhay niya na kailangan niyang ma-achieve in the future," paglalarawa ni Herlene.

Ang Magandag Dilag ang first starring role ni Herlene. Nilinaw rin niya na pursigido pa rin siyang sumali sa beauty pageants kahit na patuloy na gumaganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

"Kahit anong marating ko sa buhay ko, titingala pa rin ako. Kahit gaano na 'ko kataas, titingala pa rin ako. Ibig sabihin noon, every time na mayroon akong naa-achieve, nangangarap pa rin po ako," diin ni Herlene.

Source: herlene_budol (IG)


Nakatanggap ng kristismo si Herlene kamakailan dahil sa tila paliguy-ligoy niyang sagot sa casual interview sa isang event ng Miss Grand Philippines 2023.

Nag-react naman siya sa mga puna at sinabing isang pagkakamali lang ang nangyari at patuloy niyang isusulong ang pagsasalita ng Tagalog sa mga pageants na sasalihan niya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI BEAUTY QUEEN AND ACTRESS HERLENE BUDOL DITO: