GMA Logo Herlene Budol
What's Hot

Herlene Budol reacts to criticisms over viral Miss Grand PH Q&A

By Jansen Ramos
Published June 21, 2023 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Inamin ni Herlene Budol na nasaktan siya nang kuwestiyunin kung bakit siya naka-graduate ng kolehiyo dahil sa kanyang sagot sa sashing ceremony and press presentation ng Miss Grand Philippines 2023.

Usap-usapan si Herlene Budol sa sashing ceremony and press presentation ng Miss Grand Philippines 2023 kung saan ipinakilala ang mga opisyal na kandidata ng beauty pageant. Ginanap ito noong Martes, June 20, sa Ballrom B, Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City na may live stream online.

Kabilang si Herlene sa early top picks sa kompetition kaya isa siya sa mga napiling tanungin ng press sa Q&A segment ng nasabing event.

"Apart from your big social media followings, what else have you got in order to win the crown?" tanong sa kanya ni Summer Smith ng Crown Sisters.

Sagot ni Herlene, "Thank you for that long question for me, charis."

"I have a big followers (following) because I have a big heart. O, English 'yun ah. Nakapag-compose po ako agad."

Pinaulit naman ni Herlene ang tanong dahil aniya'y hindi niya ito naintindihan dahil Ingles ito.

Sundot ni Herlene, "Ano nga ho ulit 'yung tanong?"

Trinanslate naman ito sa wikang Filipino ng interviewer, "Ano pa ang meron sa 'yo maliban sa 'yong social media followings na sa tingin mo ay maaari kang mapili na magrepresenta ng ating bansa sa darating na patimpalak sa Miss Grand International 2023?"

Sa sagot ni Herlene, sinabi niyang experience ang isa pa niyang asset para maipanalo ang titulo.

Inulan ng batikos si Herlene sa social media dahil sa paligoy-ligoy niyang sagot sa casual interview sa pre-event ng Miss Grand Philippines 2023.

"Sana nasagot ko po ang tanong n'yo. Mahirap lang po i-explain," paghingi niya ng dispensa.

Sa Facebook live niya kagabi, in-address ni Herlene ang mga kritisismo laban sa kanya.

Aniya, nasasaktan siya kapag may kumekwestiyon sa pagkatao niya dahil sa isang pagkakamali.

"Tinanggap ko naman na hindi ko naintidihan 'yung tanong, Siguro dala na rin ng wala akong tulog, wala akong kain para mas mapaganda 'yung kakalabasan sana pero hindi e. Hindi ko nagawa pero okay."

Nagpahayag din si Herlene ng pagkadismaya sa mga basher na pinupuna maging ang kayang edukasyon. Naka-graduate siya sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa College of Saint John Paul II noong 2022.

"Until now, nagbabasa pa rin ako ng comments na sinasabi sa 'kin ng mga ibang tao, kinekwestiyon na bakit ako naka-graduate at bakit hanggang ngayon, ganito pa rin ako, thank you ha. Pati ba naman 'yon kukwestiyunin n'yo, 'wag naman gano'n," pakiusap ni Herlene.

Naaapektuhan na rin daw ang kanyang mental health.

"Actually, nakakaapekto sa mental health ng tao kapag may mga taong nambababa pero ako naman 'to, 'di ba, tingin n'yo lang sa 'kin lagi lang happy."

Minsan siya na lang daw ang namba-bash sa sarili niya para "hindi masyadong masakit." "Yes, positive lang tayo, 'wag lang sa Covid," biro niya.

Panawagan pa niya, "Sana hindi mawala 'yung kumpiyansa n'yo dahil sa isang pagkakamali. Syempre, ginagawa ko naman lahat para ma-inspire pa rin 'yung ibang tao.

"Sabi nga ng ibang girls dito na na-motivate sila na sumali kasi pwede na pala mag-Tagalog. Isa 'yun sa mga gusto kong ipagpatuloy na huwag matakot mag-Tagalog. Wala namang mali e, sabi nga 'di ba in your own opinion, wala kang maling isasagot kasi opinyon mo 'yun e."

Humingi naman ng paumanhin si Herlene sa fans niyang na-disappoint sa kanyang performance.

"Sorry lang din sa mga nag-expect sa 'kin nang sobra tapos 'di ko naman napanindigan, 'di ba?

"Nahu-hurt lang ako pag-open ko ng cellphone kesyo ganyan, gano'n pero okay lang good vibes lang para bongga. Pag nega, chaka.

"Sana di rin matapos 'yung pagsuporta n'yo sa 'kin porke't nagkamali lang ng isa."

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Herlene sa kanyang bashers.

"Si Hipon, 'di manghihina, lagi n'yo lang pinapalakas. Iiyak lang 'yan ng isa tapos okay na. Sana gano'n ka din. Sana 'di n'yo nararanasan 'yung mga nararanasan kong bashing kasi di ko naman gusto rin' yun."

Samantala, magkakaroon ng acting debut si Herlene sa GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag kung saan gaganap siyang bida.

Magpe-premiere ito sa June 26, 3:20 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream.

NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: