
Nanatiling positibo si Herlene Budol sa kabila ng minor accident na nangyari sa kaniya sa katatapos lang na GMA Gala 2024.
Sa program proper ng nasabing Kapuso event, isa-isang rumampa sa stage ang ilang Kapuso stars kabilang si Herlene. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa si Herlene sa stage na agad namang sinaklolohan ng staff.
Makikita naman sa isang video na agad ding tumakbo patungo kay Herlene ang aktres na si Barbie Forteza upang tulungan ito.
@c0rdelia2023 #BarbieForteza #gmagalanight2024 #PulangArawOnNetflix #MSKM #bardaendgame #filay #mariaclaraatibarra #ThatKindOfLoveNowShowing #BarDa #DavidLicauco @David Licauco @Barbie Forteza ♬ original sound - Cordelia
Sa X, agad na ni-repost ni Herlene ang video ng kaniyang pagkakadapa at nag-iwan ng positive reminder.
“Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa pamilya #GMAGala2024,” post ni Herlene.
Sa buhay kapag na dapa ka, Bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya.#GMAGala2024 https://t.co/lTMFOqBM4M
-- Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
Sa hiwalay na post, nagpaalala rin si Herlene na hindi dapat pinagtatawanan ang mga ganitong pangyayari.
“'Pag nadapa, hindi [dapat] pinagtatawanan. Accident always [happens]! Sa palagay n'yo ba gusto ko madapa? Lahat ng tao nadadapa, naaksidente, ang importante safe at 'di nasugatan,” paalala ni Herlene.
Pag dapa indi pinag tatawanan. Accident always happened! Sa palagay nyo ba gusto ko ma dapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente, Ang importante safe at d nasugatan. #GMAGala2024
-- Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
Suot ni Herlene sa GMA Gala 2024 ang kaniyang gown na gawa ni Leo Almodal na may pangalang “Birth of Venus.”
Sa Instagram, ibinahagi ni Herlene ang inspirasyon ng kaniyang gown.
“'Birth of Venus' is a @leoalmodal Couture Masterpiece inspired by a painting by the Italian artist Sandro Botticelli in the 1480s. It depicts the goddess Venus arriving at the shore after her birth when she had emerged from the sea fully grown,” post ng actress-host.
Balikan ang iba pang GMA Gala 2024 outfits sa gallery na ito: