
Malaki ang pasasalamat ni Herlene Nicole Budol sa kanyang pagsali sa Bb. Pilipinas 2022 kahit wala siyang nasungkit sa kahit ano mang major title sa katatapos lang na beauty pageant.
Itinanghal na first runner-up si Nicole at humakot ng special awards kabilang ang Bb. Silka, Bb. Shein, Bb. Pizza Hut, Bb. Kumunity, Jag Queen, Bb. World Balance, at MB Readers Choice.
Bagamat hindi nauwi ang inaasam na korona, grateful ang actress/vlogger sa kanyang experience bilang komedyante na binansagang "Hipon Girl."
Aniya, sapat na premyo na maipakita niya ang kakayahan ng isang komedyante, na hindi puro pagpapatawa lang ang alam. Matatandaang sumabak sa matinding training si Nicole nang ilang buwan para sa Bb. Pilipinas 2022.
"'Di ko man nasungkit ang korona, may magandang premyo naman at 'yan ang respeto sa akin bilang mahusay na Squammy at natatanging babae.
"Naitaas ko ang respeto sa mga comedian na hindi lang basta komedyante, kundi tao sila na may angking ganda at may kakayahan pa gawin ang gusto nila. Basta maniwala at kumapit lang sa pangarap."
Sa Q & A portion, proud na ipinahayag ng komedyante na siya ay "uniquely beautiful with a mission" dahil sa kanyang inspiring transformation bilang isang beauty queen.
Ika niya, "Para sa akin, isang karangalan na makatungtong ako sa Binibining Pilipinas, bilang isang binibining hindi inaasahan, para sa akin ang sarap palang mangarap. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I am beautiful, I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission."
BALIKAN ANG BB. PILIPINAS JOURNEY NI HERLENE NICOLE BUDOL DITO:
Ginanap ang coronation night ng 58th edition ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Linggo, July 31.
Itinanghal na Bb. Pilipinas International si Nicole Borromeo ng Cebu; Bb. Pilipinas Intercontinental si Gabrielle Basiano ng Samar; Bb. Pilipinas Globe si Chelsea Fernandez ng Tacloban City; at Bb. Pilipinas Grand International si Roberta Angela Tamondong ng San Pablo, Laguna.