GMA Logo herlene hipon budol
Photo by herlene_budol (IG)
What's Hot

Herlene Budol, sasabak na nga ba sa major beauty pageants?

By Jansen Ramos
Published March 16, 2022 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

herlene hipon budol


Handa na ba si Herlene "Hipon" Budol na sumali sa mga major beauty pageants sa bansa? Basahin dito.

Asset ni Herlene "Hipon" Budol ang kanyang height at sexy na pangangatawan.

Dati ay suma-sideline is Herlene bilang brand ambassadress at sumasali pa sa mga bikini contests at nagwawagi.

Pinanlaban din siya sa mga minor beauty contents simula noong elementary pa lang siya.

Sa katunayan, hindi pa rin nawawala kay Herlene ang kagustuhang mamayagpag sa beauty scene dahil nasa plano niyang sumali sa higit na mas malalaking beauty pageants sa bansa.

Sa virtual media conference ng pagbibidahan niyang digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, sinabi niyang nagte-traning na siya sa ilalim ng beauty camp na Kagandahang Flores.

"Hipon" ang tawag nang karamihan kay Herlene. Ito ang tawag sa isang tao na may "nice body but an ugly face."

Nang tanungin kung willing ba siyang magparetoke para sa kanyang pagsabak sa major beauty pageants, sagot ni Hipon, "Lumaban po tayo ng patas."

Bagamat hindi siya sang-ayon dito, open naman daw siya sa mga beauty enhancements gaya ng pagpapaputi at thread facelift.

Katwiran ni Herlene, "Ayaw ko din po magsinungaling e kasi gusto ko rin maranasan ma-effect nang konti para lang 'pag gumanda ako, baka magulat sila."

Ngayong may first leading role na ang aktres, handa ba niyang iwan muna ang pag-arte para sa training niya sa beauty pageant?

Sagot niya, "'Yung pagte-training ko po kasi parang commitment po.

"Pinag-aaral din po nila ako ng English kasi 'di pa po ako marunong mag-English 'tapos lahat po kasi pinag-aaralan do'n e.

"Parang 'di lang po siya para sa panel, para ma-build po 'yung pagkatao ko din. Kung paano magsalita, kung panao po makikapwa, kung paano po makipag-communicate.

"Saka 'di ko lang po siya gusto e, committed po talaga ako na gawin 'yun para may madagdag sa knowledge ko."

Tunghayan ang beautiful transformation ni Herlene sa gallery na ito: