GMA Logo Herlene Budol
What's Hot

Herlene Budol, sawa na sa hipon pero di papalitan ang palayaw

By Nherz Almo
Published September 8, 2022 3:38 PM PHT
Updated September 8, 2022 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Use UN anti-corruption arm vs Zaldy Co, gov't urged
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Okey na okey pa rin daw kay beauty queen-actress Herlene Budol na tawaging "Hipon Girl": "Hindi ko iwawala sa buong buhay ko."

Aminado si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol na nagsawa na siya sa pagkaing hipon.

Dahil daw sa kanyang titulong Hipon Girl, madalas daw itong inihahain sa kanya simula nang makilala sa showbiz.

"Nagsasawa na ako sa pagkaing hipon," sabi ni Herlene sa ginanap na media conference matapos niyang pumirma ng endorsement deal para sa Rejuviant Premium Cocoberry Body Wash at Premium Cocoberry Instaglow Lotion kahapon, September 7.

Patuloy niya, "Dati favorite ko 'yon, e. Ikaw ba naman, 2019 o 2018 ata yun, lahat ng pinupuntahan kong bahay, pinapakain sa akin hipon, lahat ng klase. Kaya ngayon, isa-isa na lang. Dati patay-gutom talaga ako sa ganyan, e."

Gayunman, nilanaw niya na hinding-hindi niya aalisin ang bansag sa kanyang "Hipon Girl."

"Hindi, hindi ko aalisin 'yon, 'no," diin ni Herlene.

"Hindi ko iwawala sa buong buhay ko. Kapag magpapakilala nga ako, kahit kapag naghahanap ako ng trabaho, sasabihin ko, Herlene 'Hipon' Budol. Hindi ko siya wawalain kasi doon ako nag-start. Ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan, inaangat ng Panginoong Maykapal."

Sa katunayan, sabi ni Herlene, mas naa-appreciate niya kapag tinatawag siyang "hipon" ng kanyang mga kakilala at ka-squammy, ang bansag niya sa kanyang fans at followers.

"Dahil ganun nila ako tawagin dati, ibig sabihin kumportable ang mga taong nakapaligid sa akin. Ngayon, nagkaroon lang ng pag-tweetums nang kaunti," sabi ni Herlene.

Herlene Budol (center) signed new endorsement deal with Rejuviant PH on September 7. Joining her at the contract signing were her talent manager, Wilbert Tolentino (second from left), and the brand executives (from left) Kim Briones, Chique Ballon, and Elaine Ismael. | Source: Courtesy of Rejuviant PH

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Herlene ang usap-usapang nagbago na siya simula nang maging beauty queen at napunta sa ibang manager, si Wilbert Tolentino.

"Hindi naman nabago ang ugali [ko]," sabi niya.

"Kasi, noong nakaraan, may tsumismis sa akin sa Facebook, alam n'yo 'yan. Na-blind item kasi ako, sure daw si Sir Wilbert na ako 'yon kaya sure din ako na ako 'yon. Kumbaga, ang dami raw taong nakakapansin na nagbago na raw ako, choosy na raw ako.

"Hindi naman sa choosy, siyempre, may mga tao na rin nag-aalaga sa akin. Hindi na sa akin na lang nanggagaling ang desisyon. Siyempre, dati parang pariwara lang ako, 'Sige okay lang ako, pare,' ganun lang ako. Ngayon, mayroon nang nagko-control sa kung anong dapat at hindi ko dapat gawin sa buhay ko."

Dagdag pa niya, "Walang makakapagpapabago ng ugali ng tao, hindi pera, nasa mindset n'yo 'yan at sa mga taong nakapaligid."

Bukod sa endorsement, magiging abala rin si Herlene sa paghahanda para sa pagsabak niya sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda, East Africa, sa November.

TINGNAN ANG BEAUTY PAGEANT-READY PHOTOS NI HERLENE SA GALLERY NA ITO: