
Nagpakilig sa social media ang sweet photos nina Herlene Budol at Kevin Dasom habang nasa beach.
Ibinahagi ito ng aktres sa kanyang Instagram account na may caption na: "In The End They Lived Happily Ever After……SIR MATCHU (Matthew)".
Ipinost ni Herlene ang kanilang mga larawan ni Kevin matapos ang finale ng kanilang GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit kung saan ang kanilang mga karakter, na sina Ikit at Matthew, ang nagkatuluyan.
Ayon sa netizens, wish nila na magkatuluyan din sina Herlene at Kevin in real life.
Sabi sa isang comment, "Sana totohanin ito sa realidad."
Looking forward naman ang ilan sa possible next projects ng dalawa.
Sabi pa sa isang comment, "Kakilig naman. bagaaaayyyy na bagayyyy! Sana may movie kayo together hahahah abangan ko talaga."
Ayon naman sa singer na si Katrina Velarde, bagay din si Herlene sa isang foreigner tulad ni Kevin na isang Thai-Irish.
Aniya, "In-afam mo kami! Isa kang bugsh."
Nakapareha din ni Herlrene sa Binibining Marikit ang aktor na si Tony Labrusca.
Matapos ang huling episode ng drama series noong Biyernes, June 27, naglabas din ang programa ng alternate ending kung saan si Drew, karakter ni Tony, naman ang nakatuluyan ni Ikit.
Panoorin dito:
These celebrity beach photos prove Philippines is the ultimate summer paradise: