GMA Logo maxine medina and herlene budol
Image Source: herlene_budol (Instagram)
What's on TV

Herlene Budol, sinabing tropa sila ni Maxine Medina: 'Walang plastikan'

By Jansen Ramos
Published November 10, 2023 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

maxine medina and herlene budol


Sa kabila ng mabibigat na eksena sa 'Magandang Dilag,' nakabuo ng magandang samahan ang cast ng serye sa likod ng camera.

Aminadong nalulungkot si Herlene Budol sa pagtatapos ng programa niyang Magandang Dilag, na launching series niya sa GMA.

Limang buwan itong umere at isang taon silang nag-taping para sa serye. Ngayong Biyernes, November 10, ipapalabas ang huling episode ng GMA Afternoon Prime series.

Ayon kay Herlene, na-enjoy niya ang pagganap bilang Gigi sa Magandang Dilag.

Ika niya sa panayam ng GMANetwork.com kamakailan, "Parang pinaranas nga sa 'kin ng GMA lahat ng role kasi may baliw, may prosthetics, may drama, may action, may comedy. Lahat po talagang binigay sa 'kin, pina-try sa 'kin. Nakaka-miss din saka sobrang saya ko kasi ako 'yung napili nilang Magandang Dilag na gumanap din talaga."

Binalikan din ni Herlene ang hindi niya malilimutang eksena sa revenge drama kung saan nagkabisa siya ng tatlong pahina ng script.

Sa nasabing eksena, dito niya inamin na ang karakter niyang si Gigi at si Greta V. ay iisa. Tila nag-monologue si Herlene sa altar habang binibigkas ang mahaba niyang linya.

Kwento niya, "Talagang 'di ko tinulugan 'yun para makabisado ko. Gano'n pala 'pag feel na feel mo 'yung bawat line mo, talagang nafe-feel mong galit ka din. 'Pag nakakaiyak, 'yung ugat ko sa noo talagang naghihimutok. After no'n, parang pagod na pagod ka, 'di ka naman tumakbo pero parang na nabuhos mo 'yung emosyon mo."

Sa kabila ng mabibigat na eksena, masaya si Herlene na nakabuo sila ng magandang samahan sa set.

"Tropa ho kami, kagaya kanina nagkasalubong kami ni Ate Maxine (Medina), talagang normal, hindi 'yung parang plastikan, walang plastikan. Wala namang plastic sa 'min sa awa ng Diyos."

Simula Lunes, November 13, mapapanood ang bagong GMA drama series na Stolen Life na pagbibidahan nina Gabby Concepcion, Beauty Gonzalez, at Carla Abellana.

Ipapalabas ito weekdays, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA STOLEN LIFE: