GMA Logo Herlene Budol
What's on TV

Herlene Budol, single na ba ngayon?

By Dianne Mariano
Published August 31, 2023 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up over Catanduanes, part of Camarines Sur due to Ada
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Ano na nga ba ang relationship status ni 'Magandang Dilag' star Herlene Budol? Alamin dito.

Sumalang sa hot seat ang actress-beauty queen na si Herlene Budol sa recent episode ng The Boobay and Tekla Show.

Related content: Career highlights of Herlene Budol

Sa pagbisita ng Magandang Dilag star sa naturang programa, sumabak siya sa “Truth or Charot,” kung saan sasagutin niya ang iba't ibang mga tanong habang ang kanyang mga braso at daliri ay konektado sa lie detector machine.

Isa sa mga tanong ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Diretsahan na Herlene, single ka ba ngayon? Yes or No?” tanong ng guest co-host na si Pepita Curtis.

“Yes,” sagot ni Herlene. Matapos ito, “truth” ang lumabas na resulta sa lie detector machine.

“Single talaga. Para sa akin kasi, mas pinili namin dalawa na unahin 'yung mga sarili namin. Career muna pero friends pa rin po kami until now,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa niya, “Sabi ko naman sa kanya nagsama kami sa hirap at ginhawa ganyan, pero alam niya naman 'yon love ko pa rin siya.”

Nang tanungin ni Ian Red kung kailan naghiwalay sina Herlene at ex-boyfriend nitong si Troy, aniya, “Mga five months [ago] po.”

Tinanong naman ni Pepita si Herlene kung may pag-asang magkabalikan sila ng dating nobyo nito.

“Kapag naayos po namin muna 'yung mga sarili namin,” sagot niya.

Dagdag pa niya, “Hindi ko po tatapusin 'yung sagot ko pero why not po. Kung kami talaga, kami po talaga.”

Bukod dito, sumalang din si Herlene sa segment na “Phone Raid,” kung saan nagbasa sina Tekla, Pepita, at Ian ng random messages mula sa cellphone ng guest celebrity. Ano-ano kaya ang kanilang nalaman? Alamin sa video sa ibaba.

Matapos ito, matapang na hinarap ni Herlene ang mga comment ng bashers mula sa social media sa “Ang Harsh.” Ano kaya ang masasabi ng aktres tungkol sa mga ito?

Para sa nonstop tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m.., sa GMA at Pinoy Hits.