
Isa si Herlene "Hipon Girl" Budol sa mga tinamaan ng COVID-19 nitong nagkaroon ng surge noong nakaraang Enero.
Maayos na ang kalagayan ngayong ni Herlene at nakalabas na rin sa kanyang mandatory quarantine matapos magkasakit.
Source: herlene_budol (IG)
"Gumradweyt po ako sa omicron [variant]. Nag-positive po ako. Basta po ako, safe po ako at saka 'yung pamilya ko pong inuuwian ko araw araw," pahayag ni Herlene sa isang panayam sa 24 Oras.
Balik-trabaho agad si Herlene at bibida sa kanyang first project matapos ma-survive ang COVID-19.
Tampok siya sa unang episode ng Regal Studio Presents para sa buwan ng February na pinamagatang "Gayuma Girl."
"Ako po dito si Gayuma Girl, hindi na naman kagandahan. Gusto niya 'yung mga taong ayaw naman talaga sa kanya. Pinilit niya so gumamit siya ng gayuma," kuwento ni Herlene tungkol sa kanyang karakter.
Tatlong hunks naman ang co-stars niya sa episode. Ito ay sina Prince Clemente, Kimson Tan at Anjo Pertierra.
"Tingnan natin kung paano 'yung epekto noong kanyang gayuma sa aming mga tatlong lalaki," lahad ni Prince.
"Ako po 'yung apo noong may-ari ng paupahan na tinitirahan nila so doon po magre-revolve 'yung character ko, sa paninigingil ang everything," bahagi naman ni Kimson.
"Ako po 'yung magiging longtime crush ni Hipon Girl. Ako po 'yung magiging kababatang patay na patay siya ever since," paliwanag naman ni Anjo.
Huwag palamapasin si "Hipon Girl" Herlene Budol sa "Gayuma Girl," February 6, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Silipin din sa gallery na ito ang mga celebrities na tinamaan ng COVID-19 noong nagkaroon ng surge nitong nakaraang January 2022.