
Sa recent vlog ni Ivana Alawi na “Asking stranger's phone number,” isa si Herlene Budol o mas kilala bilang si “Hipon Girl” sa napiling accomplice ni Ivana para i-prank ang kaniyang kapatid na si Hash Alawi.
Makikita sa video na sa isang restaurant naisipan nina Hash at Ivana na gawin ang kanilang challenge. Unang sumalang si Hash, nilapitan niya ang isang babae para hingin ang number nito na hindi niya agad nakilalang si “Hipon Girl” pala. Maya-maya ay dumating na ang kasama ni Herlene na si Kelly Mendoza na kasabwat din ni Ivana, nagalit ito dahil nakitang kausap ni Hash si Herlene at kinukuha pa ang contact number nito. Dito na nag-umpisa ang komosyon at ang pang-best actress na performance ni Herlene.
Kunwaring lumapit si Ivana para umawat at sinabing "Nag-cha-challenge lang kami."
Pero dahil hindi na mapigil ni Herlene si Kelly ay sumigaw na ito: "Dinadamay n'yo pa kami...hindi porket ikaw si Ivana Alawi, aanuhin mo kami."
Dumagdag pa si Kelly at sinabi kay Ivana na, “Hindi ka naman maganda sa personal eh.”
Sa tindi ng tensyon, ipinagtanggol ni Hash si Ivana. “Kung ayaw mong bastusin yung girlfriend mo huwag mo rin bastusin yung ibang tao,” sabi ni Hash.
Nang tumindi na ang pag-aaway ng apat, dito na ni-reveal ni Ivana na isa lang itong prank.
“It's a prank!! setup lang 'yan lahat!” sigaw ni Ivana.
Pagkatapos ng matinding prank, binigyan ni Ivana ng bagong cellphone si Herlene bilang “thank you gift” sa pagsama sa kaniyang vlog.
“Thank you so much Herlene for being part of our vlog. Meron lang akong gift sayo pang picture-picture mo,” sabi ni Ivana sabay abot ng bagong cellphone kay Herlene.
“Huyyy real talk ba 'to,” ani Herlene na 'di makapaniwala sa natanggap na regalo.
“Hindi ko pa bayad yung unang cellphone ko. Maraming salamat 'te kasi full na talaga yung cellphone ko tsaka 'di pa talaga fully paid yun,” dagdag pa ni Herlene.
“Sinasabi ko sa inyo na tuwang-tuwa ako sa ugali mo (Herlene Budol) the way you talk, the way you bring yourself, you're such an amazing person,” sagot naman ni Ivana kay “Hipon Girl.”
Panoorin ang vlog dito:
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang amazing transformation ni Herlene “Hipon Girl” Budol mula sa pagiging Wowowin contestant hanggang sa pagiging isang sikat na host at comedienne ngayon.