
Para patunayang hindi totoo ang bali-balitang buntis siya, proud na ipinakita ni Herlene "Sexy Hipon" Budol ang kanyang sexy figure.
Sa kanyang TikTok account noong Linggo, July 11, nag-post ng video si Herlene suot ang ng bikini at sumasayaw sa trending TikTok song na "Know Me (Pash Pash)" habang nasa swimming pool.
Sa caption, sabi niya, "BUNTIS PA MORE."
@herlene_budol BUNTIS PA MORE ##fypシ ##fyp ##foryourpage
♬ Baby Ko Si Pash Pash - guthrie
Sa isa pang video, na in-upload niya kahapon, July 12, dinaan naman ni Herlene sa biro ang isyung pagbubuntis habang ginagaya ang galaw ng mga character sa popular na video game na Grand Theft Auto o GTA.
Sabi ni Herlene, "GTA NYO BUNTIS."
@herlene_budol GTA NYO BUNTIS ##fypシ ##fyp ##foryourpage
♬ San Andreas Theme Song - Young Maylay
Matatandaan na nauna nang nilinaw ni Wowowin host Willie Revillame ang usap-usapang ipinagbubuntis ni Herlene ang kanilang anak sa "Tutok To Win."
"Hindi ho totoo yan! Puro fake news ang ginagawa niyo!" sabi ni Willie.
Binantaan niya rin ang nagpasimuno ng isyung ito.
Aniya, "Papaano ba yan i-reklamo sa NBI [National Bureau of Investigation]? Hanapin n'yo yung Facebook account."
Samantala, narito ang ilang pang celebrities na natsismis na buntis: