
Dalawang taon na ang nakararaan nang unang makilala si Herlene Budol bilang si "Sexy Hipon" na sumali sa “Wil of Fortune” segment ng high-rating game show ni Willie Revillame na Wowowin.
Pagkatapos nito ang madalas na nakita si Herlene sa programa bilang co-host ni Willie. Lumalabas din paminsan-minsan ang 24-year-old newbie celebrity sa iba't ibang programa sa telebisyon.
Akala ni Herlene na ito na ang simula ng mgagandang pangyayari sa kanyang buhay.
Ngunit tila pinaglaruan siya ng tadhana dahil nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020 nagsimula ring tumamlay ang proyekto niya sa showbiz.
Sa panayam kay Herlene ng TV host na si Toni Gonzaga para sa kanyang Toni Talks vlog, inamin ng dating Wowowin host na nagkaranas siya ng anxiety dahil sa pandemic.
Maluha-luha niyang sinabi kay Toni na “back to zero” siya ngayon.
Kuwento ni Herlene, “Ayoko na magpakita sa pamilya ko, kasi nahihiya ako… Back to zero kami.”
“Walang-wala na talaga, kahit hanggang ngayon, wala na uli akong pinagkukuunan ng pera talaga.
"Kasi, sa akin lahat umaasa din talaga ang pamilya ko. Dati, pagkain. Ngayon, pati kuryente sa akin na.”
Ramdam ang lungkot ni Herlene nang mapag-usapan ang kanyang lolo at lola, na nagpalaki sa kanya sa Angono, Rizal, dahil hindi man lang daw niya mabilhan ito ng vitamins.
“'Yung mama ko minsanan lang ako magbigay dun--sa lola at lolo ko po 'yung mga gamot nila wala nga vitamins lolo [Tatay Oreng] ko, saka lola [Nanay Bireng] ko, e. Mahal kasi.”
Aminado din si Herlene na kahit may mahigit sa 1.17 million subscribers na siya sa kanyang YouTube channel ay wala pa siyang kinikita dito.
Wika niya, “Nagvo-vlog ako hindi pa naman ako sumasahod hanggang ngayon.
“Oo. Hindi ko akam kung paano sasahod.”
Source: Celestine Gonzaga-Soriano (YT)
Aminado rin si Herlene na naging kampante din siya dahil tuluy-tuloy noon ang mga proyekto at raket niya matapos ang kanyang stint sa Wowowin.
Umiiyak na naikuwento ng TV host-comedienne na mabigat sa loob niya tuwing may humihingi ng tulong sa kanya dahil mismo siya kapos sa pera.
“Dahil sa COVID na 'yan, hindi rin ako makapagreklamo kasi hindi naman lang po ako natamaan talaga, kasi naging kampante din ako, may naging mali din ako.”
“Naging kampante din ako na akala ko may pagkukuunan ako pagkatapos ng Wowowin. Wala po talaga.”
“Nahihiya nga po ako kapag may naghihingi ng tulong sa akin wala ako maibigay kasi wala rin po ako.
"Hindi ko masabi sa kanila, 'Ako nga, wala ako nabibili sa sarili ko'.”
“Kasi wala po nakakaalam, akala po nila masayahin lang ako, pero hindi ho.
“Hindi po ako masayahin talaga. Lagi po ako umiiyak kapag kinakapos po talaga kami, na wala na po ako pinagkukuunan.”
@herlene_budol Almusal tayo ##fypシ ##fyp ##foryourpage
♬ Funny noise - Sound Effect
Sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan ngayon ni Herlene, nakatatak sa puso nito ang pasasalamat sa show na nagbigay sa kanya ng break, ang Wowowin ni Kuya Wil, dahil naibigay niya sa kanyang pamilya at ginhawa na noon ay pinapangarapa lamang nila.
Saad niya, “Dati, nung nagkatrabaho lang ako noon sa Wowowin, saka ko lang nagawa 'yung mga bagay na 'yun.
"Yung mga hindi nila naexperience dati, gusto ko pa-experience sa kanila, kaso naputol nga.
“Pero masaya ako, sobrang laking bagay ng nagyari sa buhay ko nung pumasok ako sa Wowowin, nabago din 'yung buhay ko.
"Nabigay ko din 'yung mga nabagay na hindi ko naibigay dati.”
Malungkot man ang one-on-on interview ni Toni kay Herlene, napangiti naman ito nang mapag-usapan ang kanyang supportive boyfriend na laging nandiyan para damayan siya.
Silipin ang nakakakilig na kuwento ni Herlene tungkol sa kanyang non-showbiz BF sa video below.
Abangan si Herlene sa teledramang Never Say Goodbye sa GMA Network.
Kilalanin pa nang husto si Hipon Girl sa gallery below.